Sunday, December 30, 2018

2019 Philippine Midterm Elections


Good Day Mga Pilipinong Netizens:
Sa darating na 2019 elections ay pipili naman tayo ng mga iluklok natin bilang senador hanggang LGU positions na mababakante at ito rin ang panahon upang husgahan ang ating pangulong duterte sa kanyang performance bilang pangulo for the past three years na matatapos ang kanyang termino sa 2022.

So ito ang mga sumusunod na pagbabasehan natin sa panghuhusga kay pangulong duterte sa kanyang performance ay ang mga sumusunod na isyu:
Corruption,Industrialization(Steel),Drugs,Crimes,Terrorism,Inflation,Poverty,Jobless,Pagtaas ng bilihin, pagtaas ng pamasahe,Pagtaas ng gasoline,edukasyon,internet freedom,human rights,ejk,traffic at iba pang maiinit na isyu ng bayan.
Ang magiging grading system sa panghuhusga sa performance ng pangulong duterte ay ilang kandidato ang mailuluklok bilang senador at ito ang mga sumusunod:

  • ·         Kung pro-duterte,approve or pasadong pasado sa performance ng pangulo duterte ay iboto lahat ng 12 senators from PDP-Laban,Nacionalista Party,National Peoples Coalition, Pwersa ng Masang Pilipino, National Unity Party, Partido Federal ng Pilipinas, Bagumbayan-VNP,LDP, KDP, Lakas-CMD at PRP.
  • ·         Kung anti-duterte,Disapprove,Bagsak or Disappointed sa performance ng pangulong duterte ay iboto lahat ng 12 senators from Oposisyon Koalisyon, Liberal Party, Samahang Magdalo, Akbayan ,PMM,Makabayan at Aksyon Demokratiko.
  • ·         Kung sa palagay ninyo na hindi ka naman pro or anti kundi ay gusto mo lang na pasang awa na lang sa grado ng ating pangulong duterte ay bumoto ka ng 6 anti-duterte to 6 pro-duterte or bumoto ka ng 5 pro-duterte,5 anti-duterte and 2 independent running senators.
  • ·         Kung sa palagay ninyo ay pareho lang ang binubuto mo sa darating na eleksyon ay huwag ka nang bumoto at huwag ka na rin magreklamo laban sa gobyerno.


Pagdating naman sa congressman pababa ng LGU position ay prerogative niyo na kung sino ang iboboto ninyo na dapat tama.At pag dumating sa punto na walang ginawa si duterte ukol sa inflation at pagtaas ng gasolina after the current election ay talagang magkakaroon ng yellow vest pero saglit lang ito dahil alam ito ng presidente kung papaano ito matitigil gamit ang batas na alam niya bilang abugado kaya itong eleksyon lang na pwede ninyong ilabas na hinaing kay duterte.

Sa mga media naman ay sana tunay na singer at rapper ang kumanta nung jingle ninyo for this 2019 election para madama ng madla ang mensahe ng kanta at hindi magmukhang pasikat pa, ewan pa kagaya nung isang istasyon na pinakanta ay yung komedyante ng jingle nila for election kaya di nadarama yung kanta at nadismaya pa ang tao.

Kaya sa darating na 2019 elections ay pusuan ninyo ang iboboto ninyong kandidato na dapat tama.Sa mga tatakbo sa national election nitong 2019 ay huwag ninyong kakalimutan ang internet na nagpanalo kay duterte bilang pangulo ng bansa kaya sobrahan ninyo na ang pagiging epal ninyo sa internet.Hehehe joke lang pero seriously ay huwag maging epal sa internet at sa kalsada.

No comments:

Post a Comment