Tuesday, August 13, 2013

Cybercrime Law at Sex Video Cases

Dahil sa isyu ng sex video ni Chito Miranda at katulad nitong isyu tulad nito ay umugong na naman ang pagpropromote ng iba diyan na  Cybercrime Law daw ang sagot sa problemang iyan.Well alam ba nila na pwedeng kasuhan ng Cybercrime Law si Chito at iba pang gumagawa ng sex video na walang kinalaman sa pag-upload? Yes pwedeng pwede makasuhan din sila ng ra 10175 or Cybercrime Law si Chito at iba pang gumagawa pati biktima nitong  sex video dahil base sa nabasa kong link na ito:http://www.philippinecollegian.org/instead-of-cybercrime-provisions-gabriela-pushes-for-revised-law-on-violence-against-women/ at ito pang link:http://philosophyswalk.blogspot.com/2012/11/why-ra-10175-should-be-abrogated.html na sa Cybercrime Law of Section 4 (3) (c) (1) "Cybersex - The willful engagement, maintenance, control, or operation, directly or indirectly, of any lascivious exhibition of sexual organs or sexual activity, with the aid of a computer system, for favor or consideration.".Ibig sabihin ng willful sa diksyunaryong Pilipino na intension so ibig sabihin kung intension kang gumawa ng sex video pati ang mga biktima nito ay pwede talagang makasuhan ng ra 10175 kung kumalat pa sa internet plus doble taong makukulong ang mga taong ganyan tulad ni Chito pati biktima ng sex video scandal sa parusa ng cybersex provision dahil sa one degree higher ng batas . And In statutory construction, there is a principle called verba legis. This principle essentially means the "plain-meaning rule." That is, the words in a statute should be interpreted in its simplest possible meaning. When there is no ambiguity, the provision of law should be taken to mean what it says it means. Using the verba legis principle, it is clear from the provisions of Sec. 4 (3)(c)(1) that he willfully make a sex video alone or with someone, he technically criminally liable under said provision.So kaysa makatulong sa kanya ang Cybercrime Law ay pwede pa siyang makasuhan si chito at iba pang gumagawa pati mga biktima ng sex video nito na kumalat sa internet pero magpasalamat din siya at iba pa dahil na TRO ng Supreme Court hanggang madesisyunan ito.


So ano ang pwedeng kasuhan sa mga nagpapakalat ng sex video? Well ang ra.9995 via reading this link:http://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra2010/ra_9995_2010.html  ang sagot  diyan pero sa kahinaan  ng gobyerno ay baka imposible nang hindi na mahuli magpakailanman ang mga nagpakalat ng mga sex video mula kay hayden kho – chito Miranda at sa hinaharap pang sex video scandal perpetrators.


Ano ang gagawin para din na ito maulit?Well ang lesson lang is huwag na huwag kang papayag sa anumang agreement or deal na gumawa ng sex videos sa kakilala or sa iyong kasintahan gamit ng iba’t ibang teknolohiya para pag nag hiwalay ay hindi magamit bilang blackmail para perahan at magkabalikan, pag pina-ayos mo sa isang techinician ay walang ma retrieve  na sex video na pwede niya ikalat sa internet or accidentally manakaw na walang  nilalaman ng sex videos mo sa nanakaw na gamit na pwedeng ikalat ng mga magnanakaw sa internet.At pag may naramdaman o nakita kang binibidyo ka ng hubot hubad ng walang pahintulot ay kaagad mo nang isumbong sa otoridad para mahuli na makasuhan ng ra 9995 at mapigilan din ang planong pagpapakalat sa internet ng kinunang hubot hubad na video mo.

Sa lahat ng nagpropromote ng Cybercrime Law na pag may pumutok ukol sa sex scandal tulad ng kay chito at sa hinaharap ay itigil ninyo na dahil pag napatupad iyan ay makukulong din si chito at iba pang gumagawa pati biktima ng sex video na kumalat na tayong lahat makukulong din sa batas na iyan dahil sa libelo ng Cybercrime Law.At huwag niyong kakalimutan na TRO po ang Cybercrime Law sa ngayon hanggang mapagdesisyunan ito ng Supreme Court of the Philippines.

No comments:

Post a Comment