Sunday, July 21, 2013

Opinyon: Ang Pagbubukas Ngayon ng Kongreso


Ngayon araw na ito ang ika-apat na State Of the Nation Address ni P-Noy at kasabay niyan ay ang pagbubukas ng kongreso na pag-uusapan at susuriin ang mga bills kung pasado pa ba ito or bagsak dahil labag sa konstitusyon tulad ng Mcpif bill na mag-aamyenda sa palpak na Cybercrime Law at iba pang mga bills na importante sa taong bayan na makakabusog sa sikmura nila.

Well maiba naman tayo,pag-usapan natin ang cybercrime law. Ang cybercrime law ay batas sana laban sa krimen sa internet pero naging pangit na dahil sa maraming paglabag na sa kontistusyon at sa civil rights ng mga tao tulad ng mga internet users.Kaya ang mga taong tulad natin ay idinulog ito sa SC or Supreme Court which they give a TRO until they will decide if this Cybercrime Law is unconstitutional or constitutional.So ano naman ang gagawin natin if this law uphold by the SC?well ito ang masasabi ko, naaalala niyo ba ang post ko ukol sa ra 9995 at sa sex videos sa pilipinas?kasi nandoon din ang pwedeng gamitin just in case napasara ang social media/websites dahil sa cybercrime law.Ang tinutukoy ko ay ang Kung may personal laptop, computer and any devices na may kakayahan ay gumamit ng mga libreng VPN(http://www.bestvpnusa.com/),TOR(https://www.torproject.org/), ANONYMOUS NETWORK(http://www.i2p2.de/),PROXY SERVERS(hidemyass.com) at iba pa(para sa maraming kaalaman kung papaano ma-access ang mga internet/social media websites na na-block, i-click lang ang link na ito:http://www.tweakandtrick.com/2010/07/how-to-access-blocked-websites.html). Kasi lahat ng nabanggit ay pwedeng ma-crossover ang wall ng gobyerno at ma-access sa mga napasara or na-block na social media/websites. Pero most of all ipagdasal natin na sana ideclare ng SC ang cybercrime law na unconstitutional or else maraming lalabagin civil rights ng mga netizens kung i-uphold iyang ng SC.

At sa mga mambabatas,babantayan naming kayo kung ang bill ninyo ay may kinalaman sa internet at pipigilan naming ito kung lalabag sa civil rights naming mga netizens kahit saan tulad ng nangyari sa cybercrime law.Pero mga mambabatas,unahin ninyo ang sikmura ng mamamayan at hindi ang internet na hindi makakabusog sa mamamayan,yun lang po!